Historical marker, pasisinayaan sa Aristocrat Restaurant
KINILALA ng National Historical Commission of the Philippines ang Aristocrat Restaurant nilang isang historical landmark sa pagpapasinayang gagawin bukas ng hapon.
Kasama ang mga kamag-anak ni Dona Engracia Cruz-Reyes na kilala sa pangalang Aling Asiang ang mga kawani ng National Historical Commission of the Philippines sa simpleng palatuntunan.
Laman ng marker ang kasaysayang may kinalaman sa pagkakatatag ng Aristocrat na nagsimula sa isang lumang sasakyang ginamit ni Aling Asiang sa pagbebenta ng mga makakain sa Luneta at iba pang pook sa Maynila noong 1936. Sa kinalalagyan ng kasalukuyang kainan itinayo ang unang gusaling kilala sa pangalang The Admiral Dewey na kinalauna'y nakilala sa pangalang The Aristocrat noong 1939. Kinilala ang The Aristocat sa pagkakaroon ng mga tanyag na lutong Pilipino.
1 2 3 4 5