Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa tatlong astronaut ng Shenzhou-10 Spacecraft at mga manggagawa na kalahok sa misyon ng spacecraft na ito.
Muling nagpahayag si Xi ng pagbati sa naturang mga tauhan para sa matagumpay na paglipad ng Shenzhou-10. Ito aniya ay isang malaking tagumpay sa Manned Space Program ng Tsina at nagpapakitang nasa unang hanay ng daigdig ang teknolohiyang pangkalawakan ng bansa. Ini-enkorahe rin niya ang mga tauhang kalahok sa Manned Space Program na ibayo pang pasulungin ang usaping ito.