Nag-usap kamakalawa sa Cairo sina Pangalawang Pangulong Mohamed El-Baradei ng transisyonal na pamahalaan ng Ehipto at Catherine Ashton, Kinatawan ng Unyong Europeo(EU) sa mga Patakarang Panlabas at Panseguridad. Nagpalitan sila ng kuru-kuro para makahanap ng paraan upang maayos ang kasalukuyang krisis ng Ehipto.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni El-Baradei, na buong lakas na nagsisikap ang Ehipto para sa mapayapang paglutas sa kasalukuyang krisis, batay sa batas.
Ipinahayag naman ni Mostafa Hegazi, Tagapayong Pulitikal ng Pangulo ng Ehipto na positibo ang Ehipto sa pagsisikap ng EU para mapahupa ang maigting na situwasyon ng bansa.