Kinapanayam kahapon ng mamamahayag ng CRI si Zhai Kun, mananaliksik ng China Institute of Contemporary International Relations na kalahok sa China ASEAN High-Level Forum sa Bangkok, Thailand. Ipinalalagay ni Zhai na sa susunod, dapat komprehensibong pataasin ng Tsina at ASEAN ang lebel ng kanilang relasyon.
Sinabi ni Zhai na para ang Asya ay maging tampok ng pag-unlad sa siglong ito, dapat magkakasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kapayapaan at katatagan, at hindi dapat hadlangan ng mga pagkakaiba at hidwaan ang kanilang pag-unlad.
Sinabi rin ni Zhai na nitong 10 taong nakalipas sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang estratehikong partnership, mainam ang kanilang relasyon, at mabunga ang kooperasyon. Aniya pa, ang pinakamalaking ambag ng Tsina at ASEAN ay magkakasamang pangangalaga nila sa kapayapaan at katatagan, at ito ay isang modelo sa rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.