Sa isang panayam na inilathala kahapon sa pahayagang Tokyo Shimbun, sinabi ni Sanchi Kuriyama, dating Pangalawang Ministrong Panlabas ng Hapon, na nagkaroon na minsan ang kanyang bansa at Tsina ng di-hayag na kasunduan hinggil sa pagsasa-isang-tabi ng hidwaan sa Diaoyu Islands.
Sinabi ni Kuriyama na noong ika-27 ng Setyembre, 1972, sa kanilang pag-uusap sa Tsina, tinalakay nina Punong Ministro Kakuei Tanaka ng Hapon at Premyer Zhou Enlai ng Tsina ang isyu ng Diaoyu Islands, at narating nila ang nasabing kasunduan.
Sinabi rin ni Kuriyama na ang pagsasa-isang-tabi ng hidwaan ay siyang tanging paraan para sa pagkontrol sa kalagayan sa Diaoyu Islands. Dagdag pa niya, ang mahalaga para sa Hapon ay iwasan ang paglala ng hidwaan at paglala nito sa armadong sagupaan. Dahil ito aniya ay makakapinsala sa relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai