Mula kalagitnaan ng buwang ito hanggang huling dako ng darating na Disyembre ng taong ito, muling isasagawa ng Tsina sa buong bansa ang espesyal na aksyon laban sa droga. Ipinahayag kamakailan ni Liu Yuejin, Puno ng Kawanihan ng Paglaban sa Droga ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, na ang pokus ng aksyong ito ay paglaban sa pagpupuslit ng droga, pagpoprodyus at pagbebenta nito, at lihim na pamilihan ng droga.
Sinabi ni Liu na bilang tugon sa pagpupuslit ng mga droga sa Tsina mula sa labas ng bansa, magbibigay-pokus ang aksyong ito sa mga lugar sa hanggahan na gaya ng Yunnan, Guangxi, Xinjiang, Sichuan, Guizhou, at Guangdong. Palalakasin din ng panig Tsino ang pakikipagkooperasyon sa panig pulisya ng mga may kinalamang bansa, para mapigilan ang transnayonal na pagpupuslit ng droga.
Dagdag pa niya, sa aksyong ito, palalakasin din ang pagkontrol sa mga taong gumagamit ng droga, at ang paggamot sa kanila.
Salin: Liu Kai