Sinabi kahapon sa Ramallah, lunsod sa Kanlurang Pampang ng Ilog Jordan ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestinian Authority na sumaklaw sa lahat ng mga nukleong isyu ng Palestina't Israel ang kanilang ika-2 round ng talastasan na sinimulan kahapon sa Jerusalem.
Winika ito ni Abbas sa isang preskon pagkaraan ng kanyang pakikipag-usap kay dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN. Ayon kay Abbas, kabilang sa mga tinalakay na isyu ay ang isyung panseguridad, isyung panghanggahan, pag-aari ng Jerusalem at isyu ng mga Palestinian Refugees. Umaasa aniya siyang malulutas ang nasabing mga isyu sa pamamagitan ng talastasan sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan.
Pinapurihan naman ni Ban Ki-moon ang Palestina't Israel sa kanilang pagbalik sa hapag ng talastasan. Pero, ikinababalisa niya ang patuloy na pagtatayo ng Israel ng mga panirahan sa Kalurang Pampang ng Ilog Jordan at Silangang Jerusalem. Ipinahayag ni Ban ang pagtanggap sa pagpapalaya ng Israel sa 26 na bilanggong Palestino ksabay ng pagpapahayag ng pagkabalisa sa kalagayan ng 5000 Palestino na nakabilanggo sa Israel.
Salin: Jade