Naglabas kahapon ng pahayag ang Ministring Panlabas ng Singapore, upang ipaliwanag ang sinabi ni Punong Ministro Lee Hsien Loong tungkol sa Tsina, sa isang pandaigdig na porum na idinaos noong nagdaang Mayo ng taong ito.
Anang pahayag, kaugnay ng tanong kung kailangan ;magtutulungan ang mga bansang nakapaligid sa Tsina para labanan ang huli, agarang pinahindian ni Lee ang aksyong ito, at ipinahayag niyang ito ay walang kapakinabangan.
Sinipi rin ng pahayag ang ilang sinabi ni Lee sa naturang porum na gaya ng: "nakikinabang ang mga bansa ng rehiyong ito sa pag-unlad ng Tsina, ipinalalagay ng Tsina na dapat isagawa ang mapayapang pag-unlad na walang banta sa mga kapitbansa, at isasaalang-alang ng Tsina ang reputasyon at katayuan nito para pagpasiyahan kung magsasagawa o hindi ng di-mapayapang paraan sa paglutas sa mga hidwaan sa teritoryo." Binigyang-diin nitong bilang tugon sa pananalitang "dapat maging magkakaibigan ang mga bansang natatakot sa Tsina," sinabi ni Lee na hindi konstruktibo ang ideyang ito.
Salin: Liu Kai