Idinaos kagabi sa Bangkok ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng mapagkaibigang relasyon ng Beijing ng Tsina at Bangkok ng Thailand.
Ipinahayag ni Hou Yulan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng pamahalaan ng Beijing, na ang mainam na relasyon at pagpapalagayan ng magkabilang lunsod ay nagdudulot ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamamayan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalalalim ang ganitong mapagkaibigang relasyon.
Sinabi naman ni Amorn Kitchawengkul, Bise Alkalde ng Bangkok, na humihigpit ang kooperasyon ng dalawang lunsod sa pulitika, kultura, lipunan, edukasyon, kalusugan at palakasan.