Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore na dumadalaw sa Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ang pagpapahalaga ng Tsina sa kooperasyon nila ng Singapore. Umasa ang Pangulong Tsino na ibayo pang mapapasulong ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, sinabi ng Pangulong Tsino na sa okasyon ng ika-10 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina't ASEAN, patuloy na pasusulungin ng Tsina ang pagiging magkatuwang ng dalawang panig. Binigyang-diin ni Pangulong Xi na sa kasalukuyan, ang pinakamalaking hamon sa Silangang Asya ay ang pagtugon sa epekto ng pandaigdigang krisis na pinansyal para mapanatili ang magandang tunguhin ng pag-unlad, kaya, iminungkahi niyang pagtuunan ng pansin ng mga kasapi ng rehiyon ang pagpapalalim ng pagtutulungan at magkakasamang pag-unlad.
Sinabi naman ni Punong Ministro Lee na malawak ang komong interes ang Singapore at Tsina. Buong-tatag na aniyang pinaiiral ng Singapore ang mapagkaibigang patakarang diplomatiko sa Tsina. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ng Tsina ay nagkakaloob ng pagkakataon para sa Singapore at ASEAN. Nakahanda rin aniya ang Singapore na pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN para maprotektahan ang katatagan, kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Jade