Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Syria, ipinahayag kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na buong-higpit na sinusubaybayan ng Tsina ang pinakahuling situwasyon ng Syria.
Ipinagdiinan niyang tutol na tutol ang Tsina sa sinumang gagamit ng sandatang kemikal sa Syria.
Ipinaghayag din ng ministrong panlabas na Tsino ang pagkatig sa nagsasarili, obdyiktibo, makatarungan at propesyonal na imbestigasyon ng UN. Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, dapat iwasan ang pakikialam sa isinasagawang imbestigasyon ng UN at dapat ding iwasan ang maagang pagtaya sa resulta ng pagsusuri.
Sinabi ni Ministro Wang na ang kalutasang pulitikal ay magsisilbing tanging paraan para sa paglutas sa isyu ng Syria, at ang pakikialam na militar mula sa labas ay labag sa UN Charter at mga saligang alituntunin sa relasyong pandaigdig, at higit pa, magpapalala ito ng situwasyon ng Gitnang Silangan. Nanawagan aniya ang Tsina sa iba't ibang panig na magtimpi para malutas ang isyu ng Syria sa paraang pulitikal.
Salin: Jade