|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon ng Malacanang na tatalakayin bukas ng Pilipinas at Amerika ang framework agreement hinggil sa pagdaragdag ng tropang Amerikano sa Pilipinas.
Ayon kay Kalihim Albert Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, narating nila ng Amerika ang nagkakaisang posisyon sa patakaran na itinakda nauna rito ng Pilipinas hinggil sa pagdaragdag ng tropang Amerikano sa bansang ito.
Dagdag pa niya, tatalakayin rin bukas kung papaano magiging sistematiko ang nabanggit na patakaran.
Matinding tinutulan ang patakarang ito ni Renato Reyes Jr, Pangulo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Sinabi niya na pagkaraang lagdaan ang nabanggit na kasunduan, maaaring gamitin ng Amerika ang mga pasilidad na militar sa Pilipinas at ideploy nito ang mga kagamitang militar sa bansang ito.
Binigyang-diin niya na ang masamang bagay ay walang kapangyarihan ang Pamahalaang Pilipino sa pagsusuri at pangangasiwa sa mga kagamitang militar ng Amerika batay sa mga umiiral na kasunduan.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |