Sinabi kamakailan sa media ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra ng Thailand, bago siya pumunta sa Nanning, kabisera ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, para sa Ika-10 China-ASEAN EXPO, na ang pagtitipong ito ay pasukan ng maraming pamumuhunan mula sa Tsina, Thailand at ibang mga bansang ASEAN, at ito ay makakatulong sa kaunlarang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag niya, na bilang country coordinator sa pagitan ng Tsina at ASEAN, nagsisikap ang Thailand para pasulungin ang kanilang estratehikong partnership, palakasin ang mapagkaibigang pagpapalitan ng mga mamamayan at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.