Kinatagpo kahapon sa Nanning, Guangxi, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina si Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na kalahok sa kasalukuyang idinaraos na Ika-10 China-ASEAN Expo (CAExpo) at Ika-10 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Binati ni Premyer Li ang tagumpay kamakailan ng People's Party sa halalan ng Kambodya. Bilang estratehikong partner ng Kambodiya, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa kalakalan, pamumuhunan, konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, pagsasanay sa tao at iba pa.
Ipinahayag naman ni Hun Sen na palaging nananatiling mapagkakatiwalaang kaibigan ng Kambodya ang Tsina at nakahanda ang Kambodiya na ibayo pang mapataas ang relasyon ng dalawang bansa.
Salin:Jade