|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa White House ni Pangulong Barack Obama ng Amerikano na handa na ang tropang Amerikano para isagawa ang aksyong militar sa Syria sa anumang sandali.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Obama na ang sandatang kemikal ng Syria ay nagbabanta sa pambansang katiwasayan ng Amerika, kapakanan ng mga kaalyadong bansa, at pagsisikap ng daigdig para mapigilan ang pagpapalaganap ng ng mga sandatang kemikal.
Samantala, binigyang-diin niya ang aksyong militar ng tropang Amerikano sa Syria ay dapat gawaran ng karapatan ng kongreso. Ayon sa ulat, tatalakayin ng mababang kapulungan ng Amerika ang hinggil sa isyung ito pagkatapos ng ika-9 ng buwang ito.
Nang araw ring iyon, nag-usap sa telepono sina Obama at kanyang counterpart na si François Hollande mula sa Pransya, para talakayin ang isyu ng Syria. Inulit niya ang paninindigan sa pagsasagawa ng aksyong militar sa nabanggit na bansa.
Kaugnay ng pagsasagawa ng aksyong militar sa Syria, ipinahayag ni Abdullah Ensour, Punong Ministro ng Jordan, na hindi lalahok ang kanyang bansa sa anumang aksyong militar sa Syria.
Bukod dito, ipinahayag ni Mohammad-Ali Jafari, Commander-in-Chief ng Iranian Revolutionary Guards Corps, na kung isasagawa ng Amerika ang aksyong militar sa Syria, sigurado itong magdudulot ng napakalubhang kapinsalaan na higit sa inaasahan ng Amerika.
Ayon pa sa ulat, umalis na sa Syria ang grupo ng UN sa pagsisiyasat ng isyu ng sandatang kemikal sa bansang ito. ipinahayag ni Martin Nesirky, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na isasagawa nila ang pagsubok at pag-analisa sa mga sample na inipon sa Syria at iuulat ang resulta ng pagsisiyasat kay Ban sa lalong madaling panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |