|
||||||||
|
||
Para magkasamang pasulungin ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, sa kasalukuyan, ang G20 ay nagiging isang pangmatagalang mekanismo. Ang pagbabagong ito ay makakabuti sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at angkop sa pundamental na kapakanan ng mga miyembro ng G20.
Para sa G20, pangunahing usapin ngayon ang paglutas sa pagkakaiba sa kapakanan ng mga miyembro, partikular na, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga maunlad na bansa at mga bagong ekonomya. Sa kasalukuyan, nagiging malalim na malalim ang pakikisangkot ng mga miyembro ng G20 sa maraming pandaigdigang proyekto tulad ng reporma sa pandaigdigang sistemang pinansiyal, konstruksyon ng sistema ng multilateral na kalakalan, pagbabago ng klima at iba pa. Kasabay nito, tiyak na magiging mas malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga miyembro ng G20 sa iba't ibang isyu. Kaya, dapat walang humpay na pabutihin ang mekasnimo ng G20, igalang ang makatuwirang pagaalala ng iba't ibang miyembro, para maayos na lutasin ang pagkakaiba at isakatuparan ang pagbabago ng G20.
Sa kasalukuyan, natamo ng G20 ang maraming mabuting karanasan mula sa kasalukuyang mekanismo, pandaigdigang kooperasyon at iba pang larangan, ipinagkaloob nito ang magandang pundasyon para sa pagbabago ng G20 sa susunod na hakbang. Sa naturang summit ng St Petersburg, lalo pang ipapaliwanag ang tunguhin ang pagbabago ng G20. Sa hinaharap, ang G20 ay magiging isang palataporma ng pagpapaplano ng pangmatagalang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |