Magkahiwalay na nagdaos ng preskon kahapon sa St. Petersburg sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, para ilahad ang kani-kanilang paninindigan sa isyu ng Syria.
Sinabi ni Putin na nang araw ring iyon, nagkaroon siya ng halos kalahating oras na pakikipag-usap kay Obama hinggil sa isyu ng Syria, pero umiiral pa rin ang pagkakaiba ng dalawang panig. Aniya, sa loob ng G20, walong bansa ang maliwanag na tumututol sa aksyong militar laban sa Syria. Dagdag pa niya, kung magsasagawa ang E.U. ng naturang aksyong militar, magbibigay-tulong ang Rusya sa Syria.
Sinabi naman ni Obama na hindi babaguhin ng E.U. ang plano ng pagsasagawa ng aksyong militar sa Syria, dahil sa pagtutol ng Rusya. Aniya pa, ang plano ng kanyang bansa ay kinakatigan ng maraming bansa.
Salin: Liu Kai