Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang diyalogong pulitikal ay siyang tanging realistikong lunas sa krisis ng Syria.
Ani Hong, palagiang pinag-uukulan ng panig Tsino ng pansin ang kalagayan ng Syria. Ikinababahala ng Tsina ang unilateral na aksyong militar na posibleng isagawa ng mga kinauukulang bansa. Dagdag pa niya, ang anumang aksyon ng komunidad ng daigdig ay dapat sumunod sa simulain ng "Karta ng UN" at pundamental na simulain ng relasyong pandaigdig. Dapat iwasan ang pagpapasalimuot ng isyu ng Syria, at iwasan ang mas maraming kapahamakan sa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Salin: Vera