Idinaos ngayong araw sa Beijing ang Talakayan hinggil sa Seguridad ng Internet ng ASEAN Regional Forum (ARF) para sa taong 2013. Lumahok dito ang mga kinatawan ng mga kasaping bansa ng ARF, United Nations Office on Drugs and Crimes at Council for Security Cooperation in The Asia Pacific.
Magkasamang itinaguyod ang talakayan ng Tsina at Malaysia. Ang paksa nito ay bagong pag-unlad sa seguridad ng internet ng bansa at rehiyon, kakayahan ng konstruksyon ng seguridad ng internet, kooperasyong panrehiyon sa paglaban sa cyber crime, papel ng mga bansa sa internet, at iba pa.
Ipinahayag ni Zheng Zeguang, Asistente ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na palakasin ang diyalogo at pagpapalitan, pahigpitin ang pagtitiwalaan, pasulungin ang kooperasyon sa rehiyon, para magkakasamang maitatag ang mapayapa, maligtas, bukas, at nagtutulungang cyberspace.
Ipinahayag naman ni Mohamed Thajudeen, Pangkalahatang Kalihim ng National Security Council ng Malaysia, na nananalig siya na sa pamamagitan ng pagpapalitan at pagtutulungan, mararating ng mga kalahok sa talakayan ang komong palagay hinggil sa pagharap sa seguridad ng internet.
Salin: Andrea