|
||||||||
|
||
Sa Dalian, Tsina—Binuksan dito ngayong araw ang ika-7 Summer Davos Forum. Dumalo at nagtalumpati sa naturang porum si Premyer Li Keqiang ng Tsina. Ang tema ng kasalukuyang porum ay "Meeting the Innovation Imperative." Ito rin ang naging paliwanag sa pokus ng administrasyon ng bagong pamahalaang Tsino sa hinaharap.
Nauna rito, ang mithiin at determinasyon ng pamahalaang Tsino sa inobasyon ay malinaw na naiparating sa buong mundo sa pamamagitan ng isang serye ng mga bagong hakbangin na gaya ng pagpapadali ng administrative procedure, pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Shanghai, kusang-loob na pagpapabagal ng paglago ng kabuhayan, at pagbabalak ng reporma sa pananalapi, buwis at sistemang pinansiyal. Inilarawan ng mga hakbanging ito ang pangmalayuan at malawak na prospek ng benepisyo dulot ng inobasyon sa kabuhayang Tsino.
Naramdaman ng komunidad ng daigdig ang determinasyon ng bagong pamahalaang Tsino sa inobasyon. Unibersal na napasin nilang ang kasalukuyang round ng inobasyon ay inobasyon sa sistema na ang direksyon ay pagsasapamilihan, at ang simulain ay pagpapataas ng episyensiya ng alokasyon ng yaman. Ang ganitong inobasyon ay maglalatag ng matibay na pundasyon para sa pangmalayuang pag-unlad ng kabuahyang Tsino.
Ipinalalagay ni Murtaza Syed, Kinatawan ng International Monetary Fund (IMF) sa Tsina, na sa harap ng pagbagal ng paglago ng kabuhayan, hindi nangamba ang bagong liderato ng Tsina; sa halip, nagkonsentra ito sa repormang pang-estruktura. Ito aniya ay matalinong desisyon.
Ayon naman sa pagtasa ni Elio Di Rupo, Punong Ministro ng Belgium, pagkatapos ng mahigit ilampung taong mabilis na pag-unlad, ang pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon ay tumpak na desisyong ginawa ng Tsina sa tumpak na panahon.
Napansin ni Stephen Roach, Propesor ng Yale University ng Amerika, na noong unang hati ng kasalukuyang taon, lumaki ng 8.3% ang added value ng industriya ng serbisyo ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, ang datos na ito ay mas mataas ng 0.7% sa added value ng mga industriya na gaya ng industriya ng pagyari at arkitektura. Aniya, nangangahulugan itong may malinaw na progreso ang muling pagkakabalanse ng kabuahyang Tsino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |