Kinatagpo kahapon sa Dalian, ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina si Klaus Schwab, Tagapangulo ng World Economic Forum (WEF) o mas kilala sa tawag na bilang Summer Davos Forum.
Pinapurihan ni Li ang konstruktibong papel ng Summer Davos Forum sa pagpapalalim ng paguunawaan ng Tsina at daigdig.
Tinukoy ni Li na mahina pa ang kabuhayang pandaigdig, kung magaganap ang kaligaligan sa ilang rehiyon, ang pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig ay magiging mas mahirap. Kaya, dapat sundin ng komunidad ng daigdig ang United Nations Charter sa mga isyung panrehiyon gaya ng Syria, at dapat pasulungin ang paglutas ng isyu sa pulitikal na paraan. Nakahanda ang Tsina na lumikha ng mapayapa at matatag na kapaligirang pandaigdig, kasama ng iba't ibang panig.
Ipinahayag naman ni Schwab na ang pagdaos ng Summer Davos sa Tsina ay pinakamahalagang disisyon ng WEF nitong 42 taong nakalipas. Gumaganap ang Tsina ng papel bilang isang responsableng malaking bansa sa daigdig, patuloy na nagsisikap ang WEF para mapasulong ang mas malalim na pagsasanib ng Tsina at daigdig.
salin:wle