Ipinahayag kamakailan ni YB Dato Anifa bin Haji Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia, na malalim ang relasyon ng ASEAN at Tsina, at ibayo pang pinasusulong ng kanilang estratehikong partnership ang kooperasyon sa maraming larangan.
Sinabi ni Anifa na tinatayang sa hinaharap, ang Tsina ay mananatiling pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng ASEAN, at ang patuloy na pagpapaunlad ng bilateral na relasyon sa Tsina ay napakahalaga para sa ASEAN.
Tungkol sa isyu ng South China Sea, ipinalalagay ni Anifa na dapat panatilihin ng mga may kinalamang panig ang diyalogo at pagsasanggunian, at lutasin ang hidwaan sa pamamagitan ng pag-uugnayan at talastasan. Aniya pa, dapat patuloy na ihatid ng Tsina at ASEAN sa buong daigdig ang isang maliwanag na impormasyon: multi-aspeto ang pagtutulungan ng Tsina at ASEAN, at hindi ito maaapektuhan ng iisang paksa lamang.
Salin: Andrea