Ipinahayag kahapon ni Omran Zoabi, Ministro ng Impormasyon ng Syria, na nakahanda ang kanyang bansa na sundin ang itinakdang kasunduan ng Amerika at Rusya hinggil sa sandatang kemikal. Dagdag pa niya, naghahanda na ang kanyang bansa para iharap ang listahan ng lahat ng mga sandatang kemikal nito.
Bukod dito, bibigyang-daan ng pamahalaan ng Syria ang pagsusuri ng mga tauhan ng United Nations sa mga sandatang kemikal.
Kapwa naman ipinahayag ng Alemanya at Tsina ang pagtanggap at pagkatig sa kasunduan ng Amerika at Rusya hinggil sa isyung ito.
Pero iginiit din ng Amerika at Pransya na hindi dapat itakwil ang aksyong militar kung hindi sisirain ng Syria ang lahat ng mga sandatang kemikal nito.
Salin: Ernest