Pagkatapos ipatalastas kahapon ng Amerika at Rusya na narating nila ang kasunduan hinggil sa pagsisira ng mga sandatang kemikal sa Syria, agarang ipinahayag ng National Coalition of Syrian Revolutionary and Opposition Forces (NCSROF) na hindi nito kikilalanin at tatanggapin ang anumang kasunduan ng Amerika at Rusya hinggil sa isyu ng Syria. Dagdag pa nito, patuloy na isasagawa nito ang digmaan laban sa pamahalaan ni Bashar al-Assad.
Ayon sa oposisyon ng Syria, ang kasunduan ng Amerika at Rusya ay nagtakip ng katotohanan na ginamit ng pamahalaan ng Syria ang sandatang kemikal na nagresulta sa pagkamatay ng mga sibilyan.
Salin: Ernest