Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), tinanggap na niya ang opisyal na dokumento ng Syria na nagsasaad ng pagsapi sa Chemical Weapons Convention (CWC), kaya magiging signataryong bansa ang Syria sa CWC sa ika-14 ng Oktubre.
Ayon sa tadhana ng kasunduang ito, puwede sumapi sa CWC ang anumang bansa sa lahat ng sandali. Ang opisyal na dokumento sa pagsapi ay dapat iharap sa Pangkalahatang Kalihim ng UN at magkakabisa ito pagkaraan ng 30 araw.
Iniharap noong ika-12 ng Setyembre ng Syria ang dokumento ng pagsapi sa CWC at ipinangako nito na susundin ang mga tahdana ng CWC bago opisyal na sumapi sa naturang kasunduan.
Salin: Ernest