Idineklara kahapon ng panig militar ng Pilipinas na hanggang sa kasalukuyan, ang sampung (10) araw na sagupaan sa Zamboanga ay ikinamatay na ng di-kukulangin sa 107 katao. Bagama't grabe ang pinsala, sutil pa ring lumalaban ang mga sandatahang elemento ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Ayon kay Domingo Tutaaan, Tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga nasawi ay kinabibilangan ng 11 sundalo ng tropang pampamahalaan, 3 pulis, 86 na armadong tauhan ng MNLF, at 7 sibilyan. Bukod dito, nasugatan ang 105 sundalo, at 12 pulis.
Sinabi ni Tutaaan na sa pakikibaka nitong 10 araw na nakalipas, nabawi na ng militar at pulis ang 70% ng lugar na kinubkob ng MNLF. 93 sa mga rebeldeng MNLF ang nadakip o sumuko.
Salin: Li Feng