Sa Bushehr, isang lunsod sa katimugan ng Iran — Idinaos dito kahapon ng mga opisyal ng Iran at Rusya ang seremonya ng paglilipat ng nuclear power station. Opisyal na humalili ang Iran sa paghawak sa Bushehr nuclear power station, kauna-unahang nuclear power station ng bansa.
Ipinatalastas kamakailan ni Ali Akbar Salehi, Pangalawang Pangulo at Tagapangulo ng Atomic Energy Organization ng Iran, na isasagawa pa ng Iran at Rusya ang pagtutulungan para maitatag ang isang bagong nuclear power station. Idaraos sa malapit na hinaharap, ang seremonya ng pagsisimula ng konstruksyon, dagdag niya.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Estados Unidos ang pag-asang isasagawa ng bagong pamahalaan ng Iran ang "substansyal na pakikipag-ugnayan" sa komunidad ng daigdig, para hanapin ang kalutasan sa isyung nuklear ng Iran, sa paraang diplomatiko.
Salin: Li Feng