Sinabi kahapon ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Kenya na hanggang kahapon, 62 katao na ang nasawi sa pagsalakay sa isang mall sa Nairobi, Punong Lunsod ng Kenya. Anito, malapit nang matapos ang rescue mission at napatay ng mga pulis ang ilang terorista. Dagdag pa nito, nailigtas din ang ilang hostage.
Anang nasabing ministri, kontrolado na ng pamahalaan ang lahat ng sulok ng mall at hindi na puwedeng tumakas ang mga terorista.
Ayon naman sa panig pulisya ng Kenya, ang mga terorista ay mula sa iba't ibang bansa, at ito ay isang insidente ng pandaigdigang terorismo.
Salin: Andrea