Ayon sa talumpating binigkas kagabi ni Uhuru Kenyatta, Pangulo ng Kenya, tapos na ang aksyon ng mga terorista sa Westgate Mall at nanalo na ang mga pulis at tropa ng Kenya.
Sa talumpati, sinabi ni Kenyatta, hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 240 katao ang namatay sa nasabing teroristikong pagsalakay, kabilang dito, ang 61 sibilyan, 6 na pulis at sundalo ng Kenya at iba pang 6 ang terorista. Bukod dito, naaresto ng panig Kenya ang 11 suspek.
Ayon pa kay Kenyatta, isang babaeng Britaniko, 4 na mamamayang Amerikano ang posibleng lumahok sa naturang pagsalakay. Hanggang sa kasalukuyan, sarado pa ang shopping mall at inaalis ng mga tauhan ang mga bangkay at posibleng tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa insidente.