Idinaos kahapon sa Rangoon, Myanmar ang Pulong ng Koordinasyon ng ASEAN at Tsina. Nagpahayag ang mga kalahok na opisiyal ng Tsina at ASEAN na dapat patuloy na palakasin ang kooperasyon sa pakikibaka sa droga.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wei Xiaojun, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Pambansang Lupon ng Tsina sa Pakikibaka sa Droga na isinasagawa ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa pakikibaka sa droga nitong 10 taong nakalipas, at ito ay hindi lamang nagpapalalim at nagpapalawak ng mga gawain ng pagbibigay-dagok sa krimen ng droga, kundi nagpapasulong din sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon. Noong isang taon, nananatiling mahigpit ang kooperasyon ng Tsina at Myanmar, Laos, Thailand, Byetnam at Kambodya. Bukod dito, pinasulong din ang mekanismo ng kooperasyon sa pagpapatupad ng batas sa mga purok na malapit sa Ilog Mekong, at ito ay malakas na nagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen sa droga.
salin:wle