Ipinahayag kahapon ni Abigail Valte, Pangalawang Tagapagsalita ng Malacanang, na pinalaya na ang lahat ng mga hostage na binihag ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga at tapos na ang krisis sa nasabing lugar.
Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas ng panig pulisya, di-kukulangin sa 200 tao ang nasawi sa sagupaan na naganap sa Zamboanga mula noong ika-9 ng buwang ito at 167 sa kanila ay mga rebelde ng MNLF.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga pulis at sundalo ng AFP ang pagtugis sa Zamboanga para dapkin ang mga natitirang armadong tauhan na nagtago sa lokalidad.
Salin: Ernest