Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matinding kinondena ng kanyang bansa ang pag-atake ng mga armadong tauhan sa Embahada nito sa Damascus, Syria.
Hinimok ni Hong ang iba't ibang may kinalamang panig ng Syria na mahigpit na sundin ang Vienna Convention on Diplomatic Relations para aktuwal na maigarantiya ang kaligtasan ng mga diplomata at diplomatikong organisasyon ng Tsina at ibang mga bansa sa Syria.
Bukod dito, nanawagan din si Hong na agarang itigil ng iba't ibang panig ng Syria ang pagpapalitan ng putok at isasagawa ang diyalogo para mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan ng bansa.
Salin: Ernest