Ipinahayag kahapon ni Walid Al-Moualem, Ministrong Panlabas ng Syria, na tinanggap ng kanyang bansa ang resolusyon ng UN Security Council bilang 2118 hinggil sa isyu ng sandatang kemikal ng Syria.
Sinabi niya na pareho ang paninindigan ng kanyang bansa sa nasabing resolusyon. Binigyang-diin niya na mataimtim na isasakatuparan ng Syria ang pangako sa pagsira at paglipat ng mga sandatang kemikal.
Bukod dito, nanawagan si Bashar Jaafari, Kinatawan ng Syria sa UN, sa mga may kinalamang bansa na sundin ang resolusyong ito. Inulit niya na lalahok ang kanyang bansa sa ika-2 pandaigdigang pulong sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria.
Samantala, ipinahayag ni Ahmad Jarba, Tagapangulo ng Syrian National Coalition, ang pagtutol sa nabanggit na resolusyon. Inulit niya na ang anumang plano sa paglutas ng isyu ng Syria ay dapat di maging kalahok ang kasalukuyang pamahalaan ng bansang ito.
Salin: Ernest