|
||||||||
|
||
Kinanyon kahapon ng mga armadong tauhan ang mga gusali sa Damascus, Syria, at isang mortar shell ang nahulog sa Embahadang Tsino na nagresulta sa pagkasugat ng isang Syrian staff.
Naisugod naman kaagad ang nasugatan sa ospital at maayos ang lagay niya. Pansamantalang itinigil muna ang trabaho ng embahada pagkatapos ng insidente.
Bukod sa embahadang Tsino, ang panganganyon ay nagresulta rin sa pagkasugat ng dalawang sibilyan sa paligid ng National TV Station ng Syria.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |