Isiniwalat kamakailan ni Chaerul Anwar, Konsulado ng Edukasyon ng Indonesia sa Tsina, na lalagda ang dalawang bansa sa kasunduan ng pagkilala sa kani-kanilang katibayan ng mataas na edukasyon.
Ang kasunduang ito ay lalagdaan sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Indonesia. Ipinahayag ni Chaerul Anwar ang pag-asang mapapasulong ng nabanggit na kasunduan ang pag-aaral ng mas maraming estudyanteng Tsino sa Indonesia.
Ayon sa datos ng Embahada ng Indonesia, halos 300 estudyanteng Tsino lamang ang nag-aaral sa Indonesia.
Salin: Ernest