Sa paanyaya ni Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono, sinimulan ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang pagdalaw sa Indonesia. Kaugnay nito, ipinahayag ni Sugeng Wahono, Konsuladong Pulitikal ng Indonesia sa Tsina, na ang pagdalaw ni Pangulong Xi ay ibayo pang magpapasulong sa relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag din niya na ang pagdalaw ni Xi ay nagpapakitang lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapasulong ng kanyang relasyon sa Indonesia.
Ayon sa kanya, sa panahon ng pagdalaw ni Xi, lalagda ang dalawang bansa sa mga Memorandum of Understanding na may kinalaman sa turismo, industriya, at pangingisda.
Salin: Ernest