Nag-usap kahapon sa Kuala Lumpur sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at dating Punong Ministro Mahathir Mohamad ng Malaysia.
Unang una, ipinahayag ni Pangulong Xi ang pasasalamat sa ginawang ambag ng dating punong ministro sa pagpapasulong ng pagtutulungang Sino-Malay.
Binigyang-diin ng pangulong Tsino na malawak ang komong interes ng Tsina't Malaysia, magkapareho ang proseso ng pag-unlad ng dalawang bansa at malawak ang prospek ng kanilang pagtutulungan. Dagdag pa niya, sa kanyang pagdalaw sa Malaysia, nararamdaman niya ang matinding mithiin ng iba't ibang sirkulo ng Malaysia na pasulungin ang pakikipagtulungan nila sa panig Tsino. Kinakatigan aniya ng Pamahalaang Tsino ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Ipinahayag naman ni Mahathir ang kanyang paghanga sa mapayapang patakarang pangkaunlaran at pangkapitbansa ng Tsina. Umaasa aniya ang panig Malay na mapapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina't Malaysia para makinabang rito ang kapuwa bansa.
Salin: Jade