Bubuksan samakalawa sa Brunei ang serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Sa isang panayam sa bisperas ng naturang pulong, sinabi ni Yang Xiuping, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na nitong 10 taong nakalipas, natamo ng Tsina at ASEAN ang kapansin-pansing bunga. Sa hinaharap, sa pundasyon ng walang humpay na pagpapahigpit ng pagtitiwalaan ng dalawang panig, ibayo pang pasusulungin ng dalawang panig ang komprehensibong kooperasyon para hanapin ang bagong estratehikong breakthrough, dagdag niya.
Tungkol sa pag-unlad ng kooperasyong Sino-ASEAN sa hinaharap, nagharap si Yang ng anim na mungkahi. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: una, patuloy na palakasin ang pagtitiwalaang pulitikal; ikalawa, paunlarin ang China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA); ikatlo, pasulungin ang pag-uugnayan ng isa't isa; ikaapat, palakasin ang kooperasyong pinansiyal; ikalima, isagawa ang kooperasyon sa dagat; ikaanim, palakasin ang kooperasyong kultural ng dalawang panig.
Salin: Li Feng