Dumalo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Asia-Pacific Economic Cooperation CEO Summit sa Bali, Indonesia.
Sa kanyang talumpating pinamagatang "Palalimin ang Reporma't Pagbubukas at Magkakasamang Itatag ang Magandang Asya-Pasipiko," binigyang-diin ng Pangulong Tsino na mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at umaasa aniya ang Tsina na makakalikha ito ng mas maraming pagkakataon para sa mga miyembro ng Asya-Pasipiko.
Tinukoy rin ni Pangulong Xi na sa kasalukuyan, kapuwa ang mga maunlad na ekonomiya at mga umuunlad na ekonomiya ng daigdig ay naghahanap ng bagong lakas para sa kaunlaran. Sa ilalim ng kalagayang ito, dapat pasulungin aniya ng mga miyembro ng Asya-Pasipiko ang kabuhayan na nagtatampok sa pagbubukas, inobasyon at magkakasamang pag-unlad para gumanap ng namumunong papel ang Asya-Pasipiko sa pagpapanumbalik ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Jade