Magkasamang dumalo kahapon sa Bangkok sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang counterpart na si Yingluck Shinawatra ng Thailand sa pagtatanghal ng high speed railway ng Tsina.
Sinabi ni Li na ang pagpapahigpit ng Tsina at Thailand ng kooperasyon sa daambakal ay hindi lamang nakakatulong sa pag-unlad ng imprastruktura, kabuhayan, at lipunan ng Thailand, kundi maging sa transportasyon at komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Hinangaan ni Yingluck Shinawatra ang natamong bunga ng Tsina sa high speed railway. Ipinahayag niya ang mainit na pagtanggap sa paglahok ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa mga proyekto ng daambakal ng Thailand.
Bukod dito, inilahad ni Shinawatra kay Li ang plano ng konstruksyon ng high speed railway ng kanyang bansa.
Salin: Ernest