Nagtagpo kahapon sa Palasyo ng Thailand sina Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn at Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Ipinahayag ni Premyer Li na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang relasyon nito sa Thailand. Nakahanda aniya siyang ibayo pang pasulungin ang kooperasyon at pagkakaibigan ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Prinsesa Sirindhorn na pinahahalagahan din ng royal family ng Thailand ang bilateral na relasyon ng dalawag bansa at kinakatigan ng pamahalaang Thai ang pagpapahigpit ng aktuwal na kooperasyon sa panig Tsino.
Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalalim ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Ernest