Ayon sa ulat kahapon ng pahayagang Asahi Shimbun ng Hapon, sinadyang pagtakpan ng pamahalaang Hapones noong dekada nobenta ang isyu ng comfort women, para mabawasan ang pansin ng komunidad ng daigdig sa isyung ito.
Ibinunyag ng Asahi Shimbun ang isang lihim na dokumentong diplomatiko hinggil dito, na ipinalabas ng pamahalaan ng Hapon noong ika-30 ng Hulyo, 1993. Sa dokumento, nagbigay-patnubay si Ministrong Panlabas Mutou Kabun sa mga embahada ng Hapon sa Indonesya, Malaysia, at Pilipinas, na iwasan ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu ng comfort women, dahil mag-uudyok ito ng negatibong sentimento at aksyon mula sa mga mamamayan ng lokalidad. Anang Asahi Shimbun, ipinakikita ng naturang dokumento na bagama't ipinahayag ng pamahalaang Hapones noong panahong ito, na isasagawa ang komprehensibong imbestigasyon sa isyu ng comfort women, hindi itong tunay na ginawa.
Salin: Liu Kai