Nagtagpo kaninang hapon sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Nguyen Sinh Hung, Tagapangulo ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam.
Sinabi ni Li na patuloy na igigiit ng Tsina ang patakarang mapagkaibigan sa Biyetnam. Umaasa aniya siyang kakatigan ng Pambansang Asemblea ng Biyetnam ang narating na nagkakaisang posisyon ng mga pamahalaan ng dalawang bansa sa mga isyung pandagat, panlupa at pinansyal para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang panig.
Sinabi naman ni Nguyen Sinh Hung na ang narating na nagkakaisang posisyon ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ay angkop sa magkasamang hangarin at kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Nakahanda aniya siyang pahigpitin, kasama ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), ang pagpapalitan at pagtutulungan para pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest