Kahapon, sa Beijing, sa kanyang pakikipag-usap kay dumadalaw na Komander Min Aung Hlaing ng Hukbo ng Myanmar, ipinahayag ni Fang Fenghui, Chief of General Staff ng People's Liberation Army ng Tsina, na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang relasyon ng hukbo ng dalawang bansa, at mabisa rin ang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Aniya, nagbibigay-galang ang Tsina sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Myanmar. Positibo rin ang Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa rehiyong panghanggahan ng dalawang panig, at sa proseso ng pambansang rekonsilyasyon ng Myanmar, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ni Min Aung Hlaing, na matatag na umuunlad ang relasyon ng dalawang hukbo. Nakahanda aniya ang Myanmar na magsikap, kasama ng Tsina, para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng estado at hukbo ng dalawang bansa.