Ipinahayag kahapon ng panig opisyal ng Myanmar na dahil sa nangyaring magkakasunod na insidente ng pagsabog kamakailan sa maraming lugar ng bansa, itinaas na ng pamahalaan ang national security alert level sa Myanmar.
Kaugnay nito, sinabi kamakalawa ni Ye Htut, Tagapagsalita ng Palasyong Pampanguluhan ng Myanmar, na ang mga pambobomba ay itinaon ng masasamang elemento sa okasyon ng panunungkulan ng Myanmar bilang bansang tagapangulo ng ASEAN at gayun na rin sa gaganaping South East Asian Games (SEAG). Ang mga aksyong ito aniya ay nagtatangkang pinsalain ang imaheng pandaigdig ng Myanmar.
Salin: Li Feng