"Idaraos sa susunod na taon ang pambansang pulitikal na diyalogo para maisakatuparan ang pambansang rekonsilyasyon," ito ang sinabi kamakalawa ni Aung Min, Pangalawang Tagapangulo ng Sentral na Lupon ng Kapayapaan ng Myanmar.
Aniya, bago idaos ang nasabing diyalogo, dapat matapos muna ang dalawang pangyayari: una, ang paglagda ng kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan at lahat ng mga santadahang lakas; at ika-2, pagbalangkas sa framework ng pulitikal na diyalogo.
Ayon kay Aung Min, sa kasalukuyan, nalagdaan na ang inisiyal na kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng 14 santadahang lakas at pamahalaan; pero, hindi pa kasama rito ang Kachin Independence Organization at Palaung State Liberation Front (Ta'ang National Liberation Army).
salin:wle