|
||||||||
|
||
Ibinalita kahapon ng pamahalaan ng Myanmar, na pitong puntong pagkakasundo ang narating sa pagitan ng pamahalaan at Kachin Independent Organization(KIO), sa pamamagitan ng tatlong araw na talastasan. Kabilang sa mga puntong napagkasunduan ay ang komprehensibong pagsasakatuparan ng tigil-putukan, paglikha ng mainam na kondisyon para sa diyalogong pampulitika, pagtatayo ng organo ng superbisyon, isyu ng relokasyon para sa mga biktima ng sagupaan, pagbubukas ng mga lansangan, at iba pa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |