Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon dito sa Beijing kay Ministrong Panlabas Wunna Maung Lwin ng Myanmar, sinabi ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ikinagagalak ng Tsina ang pagtatatag at pagpapasulong ng Myanmar ng relasyon nito sa iba't ibang bansa.
Nananalig aniya ang Tsina na naaangkop sa sariling situwasyon at interes ang paraan ng pag-unlad na pinili ng Myanmar.
Umaasa aniya ang Tsina na mapapasulong nila ng Myanmar ang mga pangunahing proyektong pangkabuhayan at pangkalakalan na tulad ng pagtatatag ng Bangladesh-China-India-Myanmar Economic Corridor Program.
Ipinahayag naman ni Wunna Maung Lwin ang pasasalamat sa Tsina sa pagkatig nito sa Myanmar at ang kahandaan ng Myanmar na pasulungnin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga pangunahing proyekto at sa kanilang katatagang panghanggahan.
Salin: Jade