Natapos kahapon sa Geneva, Switzerland ang talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran. Sa kauna-unahang pagkakataon, narating ang magkasanib na pahayag ng mga may kinalamang panig na kinabibilangan ng Iran, Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya. Sumang-ayon din silang magdaos ng bagong round ng talastasan mula ika-7 hanggang ika-8 ng darating na Nobyembre.
Sa preskon pagkatapos ng talastasan, sinabi ni Catherine Ashton, Mataas na Kinatawan sa mga Suliraning Panlabas at Patakarang Panseguridad ng Unyong Europeo, na sa katatapos na dalawang araw na talastasan, nagdaos ang mga kalahok ng "pinakadetalyadong diskusyon" hinggil sa isyung nuklear ng Iran, pero, hindi pa puwedeng isapubliko ang mga detalye.
Salin: Jade