Sinabi kahapon sa Teheran ni Marzieh Afkham, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na ang pagkilala sa karapatan nito sa uranium enrichment ay siyang pinal na target ng bagong round ng talastasan ng kanyang bansa at 6 na may kinalamang bansa na kinabibilangan ng Amerika, Rusya, Britanya, Pransya, Tsina, at Alemanya.
Bukod dito, hiniling din niya sa mga bansang kanluranin na alisin ang sangsyon sa Iran. Samantala, ipapaliwanag ng Iran sa nabanggit na 6 na bansa ang mga bagay na may kinalaman sa kanyang planong nuklear.
Salin: Ernest